PUP-YS, HOY,GISIIIIIIING!!!!!

Matagal bago ako muling nakabisita sa PUP at ang huli ay kanina(july 17,2007). Tumambad sa akin ang bagong flower path sa harapan ng gate,kahit hindi pumasa sa panlasa ko ang design, ay ok na din kahit papaano.Pagpasok namin,nagulat ako na ang pasilyo nila na daanan ng mga estudyante ay sira at yupi-yupi parin ang bubungan. Pagpasok pa namin sa loob isa uling flower path at  pabolosong landscape garden.( sabi nga ng mga kaibigang professor dun,ala Memorial Garden )Inakala ko na sa pag-ikot at pagpasok ko dito ay makikita ko na bago na ang kanilang  pasilidad at maganda na kahit papaano ang kanilang silid aralan. Laking gulat ko na kahit isa ay walang nabago dito,at lalong nabubulok ang kanilang room. Kulang at sira sira ang  upuan,may electric fan per hindi umaandar,samantalang naggagandahan ang kanilang garden sa labas at ang nakita kong on-going construction pa sa loob ay para daw sa food chain stalls na rerentahan daw ng P500/a month.

Kaya iniisip ko,ano ang ginagawa ng mga militanteng kabataang estudyante sa kasalukuyang sitwasyon nila dun ngayon?,dapat sana'y ang milyong halaga na winawaldas lamang sa pagpapaganda sa damo at bato.Dapat kayong kumilos!Mag-ingay kayo hinggil dito. Mas inuuna ng bagong pamunuan nito ang "beautification"kesa sa madaliing ayusin ang mga pasilidad para sa inyo! PUP-YS Hoy Gising! Nananawagan na sa inyo ang ilang guro na makiisa kayo sa pag-kondena hinggil dito,inaaksaya nila ang salaping dapat ay sa inyong mga estudyante!

Maloka kayo sa halaga ng flag pole pa lang ninyo, ayon sa  kausap ko ay kalahating milyon maging ang garden landscape! Nakakainis,nakaka-iritang malaman.Ganyan ka-hayop maglustay ng salapi ang bagong namumuno sa school nyo. E,nasaan na nga ba kayo?! liban sa pagtutol sa pagtaas ng tuition fee dapat na suriin din ninyo ang kakaibang nagaganap sa loob ng inyong unibersidad

Simbang_gabi2_3 23638998fc75019a012d_1 37911195_7925afdbb3_o_1SIMBANG GABI............ Nagsimula na ang simbang gabi....Hudyat ng papalapit ang araw ng PASKO. Kasama ng ating kultura at tradisyon na ipinamana ng kastila sa atin,bubunuin mo ang 9 na araw para daw ma-grant ang mga wishes mo.Mula nuong bata pa ako,hindi ko mabuo-buo ang 9 na araw,kadalasan tatlong beses lang o apat.Kasi naman sa oras ng simba,ay dun pa lang ako matutulog kaya kahit sumama ako diko naiintindihan ang seremonya ng pari,kasi tulog po ako hehehe! Pero gising na gising ako kapag tapos na ang misa,pupunta na kami sa isang tindahan kakain na kami ng bibingka at puto bungbung,grabe ang sarap!lalo na kapag sasabayan mo ng tsokolate o tsaa,whew!delicioso.
  Mula ng mag-asawa ako,isang beses pa lang  ako nakapag-simbang gabi,kundi pa ako pinilit ng  mga in-laws ko.Sumama na din ako para maranasan ko uli ang makakain ng mainit na bibingka at uminon ng mainit na tsaa,pero ang nakakatawa,palabas pa lang kami ng bahay,umaambon na,hahahaha! kinantyawan ako ng biyenan ko,"naku malu,maaga pa lang binasbasan kana ni lord,para pag pasok mo ng simbahan hindi na umapoy"hahahaha!
   Pero,ang simabang gabi ay may kakaibang hatid sa kapaskuhan nating mga pilipino.

             
 ISANG MALIGAYANG PASKO at MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!!!








Martial Law MusikLabang hit na hit nuon

Opm03

Martial Law days,uso ang mga hippie's mga lalaking may mahahabang buhok  na style kulot or naka-apro.Bell bottom ang pantalon na jersey ang tela,na nakasayad sa lupa na takip ang kanilang clogs na boots o kahit anong sapin nila sa paa.Kapag masasalubong  mo sa kalye,babatiin ka ng  "peace man",parang  hindi naliligo ang hitsura.Dahil uso nuon yun,hindi ka matatakot masalubong sa kalye sa kahabaan ng Recto kung saan ito ang isa sa sikat na gimikan o pasyalan,at  tinaguriang U-belt dome.
Opm01 Ml04_1 Ngayon kapag nakasalubong ka ng ganyang tao,im sure tatakbo ka kasi taong grasa na yun,hehehe! Patok na patok ang Rock at mga awiting pinoy, himig pinoy, at mga banda. Tulad ng Juan Dela Cruz Band,Pepe Smith,Mike Hanopol,Sampaguita.Mga alternatibong awitin ng ASIN,Florante,Banyuhay,Coritha,Freddie Aguilar.Kasabay ng init ng mga awiting ito ang init ng laban sa lansangan laban sa diktadurang Marcos,kuminang ang tunay na makabayang awitin na sariling atin.Dito nakilala ang tunay na mga artista ng bayan na sila Pol Galang,Heber Bartolome,Patatag,Bugkos,Tambisan sa Sining.Sa mga konsyertong isinasagawa ng mga progresibong organisasyon,ay nabubuklod sila at nagsasama-sama.Ito ang isa sa  pinaka-mabisang propaganda nuon upang ipakita at maipabatid sa sambayanan ang tutulan at labanan ang Batas Militar ng tuta at dikatador na si Marcos.
    Bago ideklara ang Martial Law,may mga pang kulturang grupo na nagtatanghal sa mga lansangan at pagawaan ito ang Komintang at Panday Sining,sila at ang mga kasabayan nila ay tinaguriang FQS babies na ngayon ay isa nang organisasyon ,FQSM (first quarters storm movement).Nakapagtanghal na ang ilan sa kanila sa ibang bansa at ang isa nga sa grupong Komintang na si Lino ay nakapag-workshop pa sa China.Mula sa kanila,ay lumawak ang mga cultural group at nakapagtayo ang ibat ibang sektor na siyang nagpasigla ng propaganda sa sining at kulturang  rebolusyonaryo.
    Sept.21,1972,ng  ideklara na ang Martial Law, siyam na taong gulang pa lang ako.Miyembro na ako ng isang cultural group,DULAANG KAYUMANGGI,isinasadula namin ang buhay at pakikibaka ng maralitang lunsod.Unang tula na pinakabisa sa akin  ay ang tula ni Ka Amado V.Hernandez, "Kung Tuyo na ang luha mo aking bayan",habang tinutula ko ito sa kalagitnaan pa lang ay umiiyak na ako,kasabay ng mga manunuod.Hanggang ngayon ito parin ang ninanais kong tulain sa entablado,bawat katagang binibigkas mo ay may pakahulugan sa buhay ng mamamayang pilipino.Tulad kong dumanas ng kalupitan ng Martial Law,hinding hindi ko papayagang maulit ito muli at patuloy akong lalaban at sasama sa agos ng pakikibaka para sa bayan,todo na to tol! repapips,okey olrayt....peace men..duds!





Opm04

Opm02_2
 

I survive, Martial Law

I survive, Martial Law
  Ml05_2   Ml07_1 Ml06
Dalawampung taon sa kamay ng diktaduryang Marcos,mahigit sa 10 libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao ang dulot ng kanyang   Martial Law .Iba't ibang anyo ng paglabag nito sa mamamayan lalo na sa mga aktibista sa hanay ng kabataang estudyante at mga manggagawa, tulad ng pag patay,pag masaker, pag-tortyur sa mga bilanggong pulitikal at ang  pag-dukot (Hindi pa kabilang dito ang ilang nasa remote area  sa kanayunan  na  pinaslang at nawala na mga magsasaka)Ml02
Ngayon,iba lang ang gender nito, pero magkapareho ng istilo.Parehong may bahid ng dugo ang mga kamay sa mga mamamayan.Higit pa nga na malupit itong si GMA,dahil 5 taon pa lang sa kanyang panunungkulan ay may 755 na ang naitalang dinukot at pinaslang  at patuloy na  lumalaki pa ang bilang.Hindi pa tuwirang nagdedeklara ng Martial Law ang hitad,higit na mabangis at mapanganib ang buwayang ito.Bukod sa sinungaling at mandarambong na pekeng pangulo,siya  ay BERDUGO,katuwang ang kanyang mga papet na sila Palparan na hayagan niyang pinapurihan sa kahusayan nito sa pagpatay at paglipol di-umano sa mga hanay ng maka-kaliwa,na nananalasa sa central luzon ngayon sa pamamagitan ni Juanito Gomez.Matapos papurihan ay  nai-promote pa, Norberto at Raul Gonzales na parehong inutil na at sira ulo,Ebdani,Esperon,Lumibao atbp.
    Never Again to Martial Law! OUST GMA NOW!   

Asin ang Lupang pinagpala....Magsasaka.

F1000006_copy Palay01_1 Paigtingin ang Pakikibakang Magbubukid para sa

Tunay  na Reporma sa Lupa!

     Hunyo 10,2006 ang ika-18 taong pagpapatupad ng kontra magsasaka,maka-panginoong maylupa at makadayuhang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na pinapagpatuloy ng peke at pasistang rehimeng Arroyo.Walang kaparis sa nakaraan ang nararanasang kahirapan ngayon ng masang magbubukid.Lumawak pa ang pangangamkam at kumbersyon ng mga lupang sakahan sa ilalim ng panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo.Lalong tumindi ang iba't ibang tipo ng pyudal at mala-pyudal na pagsasamantala at pang-aapi sa hanay ng masang magbubukid.

                                Patuloy na ipinagkakait sa masang magsasaka ang lupa.Pinagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga recycled na iskema sa sakahan tulad ng Corporative Scheme,Contract Growing at Agrarian Reform Communities(ARC's) at pagtatayo ng mga agri-agro-business na lalo lamang nagpapatindi ng monopolyo ng mga malalaking panginoong maylupa,burgesya komprador at dayuhang korporasyon

                                Nagpatuloy at tumindi ang pagsasamantala sa masang magbubukid sa anyo ng mataas na upa sa lupa at kagamitan sa pagsasaka,mababang pasahod sa manggagawang bukid,usura at pambabarat sa presyo ng mga produktong agrikultural.Hindi natinag ang malalawak na lupaing pag-aari ng mga panginoong maylupa,debeloper at dayuhang korporasyon.Buhay na halimbawa ng monopolyo at pangangamkam ng lupa sa Nasugbu,Batangas ang 8,650 ektarya sa Hacienda Looc 7,183 ng Hacienda Roxas at 1,800 ng Hacienda Puyat."Trademark" na ng pagkansela sa mga inisyung Certificate of Land Ownership Award (CLOA)sa mga magsasaka upang "ligal"na kamkamin ang lupa at pagtayuan ng malalaking resort,golf courses,subdibisyon at pook pang-turismo.

                     Kinansela din ang CLOA ng 457 pamilya na umaabot sa 7,100 ektaryang lupain sa Hacienda Yulo sa Canlubang,Calamba City para gawing Commercial Residential at Golf courses.Kinakamkam din ng MWSS,kasabwat ang pamilya Lopez,ang 2,720 ektarya lupa sa Brgy.Macabud,Montalban,Rizal.Samantalang kontrolado naman ng pamilya ni Don Domingo Reyes ang mahigit 10,000 ektaryang lupain sa mga bayan ng Buenavista,San Narciso at San Andres,Quezon,sumasaklaw ng 2,000 ektarya ang Southern Luzon Coconut Oil Mill sa Mulanay Quezon;1,000 ektarya naman ng PLDT sa San Jose Occ.,Mindoro at 2,000 ektarya sa Balayan,Batangas na pagtatayuan ng San Miguel Corp.

                       Nariyan din ang dayuhang pagmimina na sasaid sa likas na yaman mineral at lilikha ng matinding kapinsalaan sa mga magsasaka at katutubo. Ilan dito ang 9,720 ektaryang lupain sa Victoria at Sablayan Mindoro na miminahin ng Crew Mining Corp Nickel at cement naman ang miminahin ng Rio-Tuba Mining Corp sa 16,000 ektarya sa mga bayan ng Bataraza at Abortan sa Palawan.Nakaamba din ang pagpapalubog sa 7 barangay ng Tanay,Rizal at isang baryo ng Gen.Nakar Quezon sa itatayong Laiban Dam.Ang sitwasyong ito ay higit na palalalain ng CHACHA na magpapahintulot sa mga dayuhan na magmay-ari ng 100% ng lupain sa bansa.

F1000006_copy_1

            

F1000020_copySadyang terorista,ganid,sobrang kasibaan at kapit tuko ang rehimeng Arroyo.Gamit ang ulol at uhaw sa dugo na berdugong militar,patuloy itong naghahasik ng takot  at terror sa hanay ng masang anakpawis.Ang mga magsasakang lumalaban ay sinasampahan ng gawa-gawang kaso tulad ng Tagaytay 5 (na dinukot at ipiniit noong Abril 27) at 25 iba pang mga bilanggong pulitikal.Upang patahimikin ang lumalabang magsasaka,sukdulang patayin ang mga lider aktibista sa  Timog Katagalugan. Umaabot na sa 136 ang pinaslang sa rehiyon simula ng maupo sa poder si Arroyo.

                             Iisa lang ang landas para makamit ang tunay na reporma sa lupa,hustisya at pagbabago sa ating bayan.Buong giting nating labanan ang pangangamkam at pagpapalit-gamit sa lupa,papatinding pandarahas at pampulitikang panunupil ng nalalapit ng bumagsak na estado ng dayuhan.Wakasan ang pekeng rehimeng US-Macapagal Arroyo at pagbayarin ito sa mga inutang na dugo sa magsasaka at mamamayang Pilipino.

June 9,2006 

Binuwag ng mga berdugong pulis ang mapayapang kilos protesta ng mga magsasaka  sa Mendiola kasama ng ibat ibang organisasyon na nagsusulong ng Lupa,Sahod,Trabaho at Karapatan ng  mga mamamayan.Muling ginamitan ng dahas at walang habas na pinaghahagupit ng trancheon ng mga pulis ang mga kasama at tuluyang binuwag ang hanay.Marami ang nasaktan at nasugatan,pero hindi ito nakapag-pahina sa bawat isang magsasaka na patuloy na dumadanas ng kalupitan sa militar at patuloy na naghihirap sa gobyerno ng rehimeng Arroyo,bagkos silay maninindigan at patuloy na lalaban hanggang tagumpay,Makibaka huwag matakot!!!!!

F1000025_copy F1000027_copy

F1000030_copy F1000020_copy_1




Wakasan ang Rehimeng US-Macapagal Arroyo!

Itigil ang Militarisasyon sa Kanayunan!

Katarungan sa lahat ng Biktima ng Terorismo ng Estado!

Ipaglaban ang Tunay na Reporma sa Lupa at Pambansang Industriyalisasyon!

Makibaka para sa Pambansang Kalayaan at Demokrasya!

   KASAMA-TK
Kalipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan

Totoong Buhay,mala tele-novela...

Dahliadecorativetwowhiteflowers Kathikashouse2 Dalawang Pamilya na pinag-isa ng PAG-IBIG

1985

Magkapatid si Carlito at Elizabeth,ganundin si Cynthia at Cezar. Ang kanilang pamilya ay magkaibigan at kung magturingan ay para ng pamilya nuon pa na mga bata sila.

Unang nagpakasal si Carlito at Cynthia na biniyayaan ng  3 anak,lalong tumibay ang kanilang magandang samahan ng sumunod na magpakasal ay si Cezar at Elizabeth( hindi nagka-anak).Marami sa kanilang kapitbahay ang namangha at ilan din sa kaanak ay nangutya lalo na sa pamilya ni Carlito at Elizabeth,"wala na bang iba"? ang sambit nila.Hindi naging hadlang ang anumang sabihin ng kahit sinong tao sa kanilang masayang pamilya,nguni't may isang matandang babae na pagala-gala ang nagsabing,"isa sa magulang ng pamilyang ito ay magdadanas ng kalungkutan,dahil magdadaigan kayo".Nakaka-pangingilabot ang sinabi ng matanda,pero hindi nila ito inintindi(dedma).

2006

Unang dumating na lungkot sa buhay nila,ay ang pagkakaroon ng sakit ni Elizabeth,cancer sa ovary. Umabot din ng 5 taon ang paghihirap ni Beth sa kanyang sakit,pero itong buwan ng Pebrero 18,2006,ay namatay siya.Lungkot at pagdadalamhati ang bumalot sa buong pamilya.Si Beth ay ikalawa sa bunso sa magkakapatid.

May katotohanan nga ba ang "hula" ng matandang babae,na isa sa Nanay ng dalawang pamilyang ito ay lubos na magdadalamhati?

Pinatay si Carlito,Isang karumaldumal na kamatayan.Habang nakikipag-inuman si Carlito,sa di kalayuan ng bahay na pinag-iinuman niya,may isang lalaking nagwawala,may hawak na kutsilyo.Aburido ito dahil iniwan ng kanyang asawa at anak,dahil isa siyang kagawad sa kanilang bgy.,ay inawat niya.Pero,hindi nagpa-awat ang lalaki at siya ang pinagbuntungan ng galit nito,habang kasagsagan ng lakas ng ulan nuong gabi ng May 22,2006 (lunes),inundayan siya ng saksak. 8 ang kanyang tama sa iba't ibang parte ng kanyang katawan,isa ay sa puso tumagos na agad niyang ikinamatay.

Ang taong 2006 ay mainam siguro sa ibang pamilya,pero sa pamilyang ito ay  hindi naging maganda, para sa kanila ito ay isang bangungot. Halos 2 buwan lang ang pagitan ng magkapatid na namatay para mabyudo at mabyuda ang 2 naiwan magkapatid.

Bago ang insidente,Totoo ba ang " premonition"?

Linggo araw  ng tamis , yakap at halik...Paalam mahal kong Cynthia at mga Anak....

Matagal ng hindi nagtatabi si Cynthia at Carlito,ayon sa kanila ay may isang taon na din,dahil madalas silang magkatampuhan dahil sa pag-inom nito ng alak na sanhi ng kanyang pagkaka-sakit sa baga. Linggo May 21,umaga pa lang ay magkatuwang sa gawaing bahay ang mag-asawa,inalagaan at ipinasyal ang 2 apo sa parke.Pinangaralan ang panganay na anak na babae (katherine) na iwasan ang mamalo sa kaniyang mga anak,nag-kumpuni ng mga sira sa kanilang bahay.Kahit sino ang mag-aya ng inuman ay tinatanggihan niya ito at hindi lumalabas ng bahay.Gabi habang nakahiga na sila,sinamantala ni Carlito ang pagkakataon ng gabing iyon.Kinausap nya ang asawa ,nangako si Carlito na hindi na siya kailanman iinom at magsisikap sa buhay para sa kanilang pamilya.Bumulong si Carlito kay Cynthia "ning,matagal na tayong hindi nagtatabi".sagot naman niya "ikaw kasi palagi ka na lang umiinom".Para silang bagong kasal,nag-pulot gata ng gabing yun.

Kinabukasan,lunes (may22) maaga silang pumunta ng palengke upang buksan ang kanilang tindahan,malaki-laki ang benta kaya 7pm pa lang ay nagsara na sila at umuwi.Ilang beses siya inaya ng kanyang kumpare para uminom,tinaguan niya ito.Pero,hindi rin siya tinantanan hanggang nilabas na niya ito at sumama para sa imbitasyon.Nagpa-alam siya kay Cynthia at nangako na hindi iinom,makikipag-kwentuhan lang siya.humalik at hinaplos niya ang buhok ng asawa,kumaway sa apo at anak.Dumaan sa bahay ng kanyang nanay,bago tumungo sa nag-imbita.

Iyon na ang huli nilang pag-uusap na punumpuno ng pagmamahal at pag-asa na ang magandang simula ng linggo ay magtutuloy-tuloy sa habang panahon. Nang dalawin ko si Cynthia,isang mainit na yakap ang tangi kong na-ibigay..

Nasaksihan ko ang kanilang pagmamahalan,lungkot,sigalot,tuwa't saya sa kanilang  pagsasama.Taon-taon ay kasama nila ako sa reunion ng pamilya..... kung bakit? First cousin ko si Carlito at Elizabeth.

Dakilang Ina

40Pagpupugay sa lahat ng mga Nanay.......
Inang mapagmahal sa Bayan,umaaruga at kumakalinga sa anak ng bayan..
...mula sa kalunsuran patungong kanayunan.

Mula sa Pagawaan,sa Parang,daang bakal,komunidad ,latian at paaralan
Nagtatanggol at nakikibka para sa Uring ANAKPAWIS , Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga  Mabuhay kayo Inay!

Opisina ng ANAKPAWIS sa KIDAPAWAN,Binomba

Jmgkidapawan Opisina ng ANAKPAWIS sa Kidapawan binomba

"Malinaw ang padron ng pampulitikang panunupil: bahagi ito ng sistemetikong hakbang para iharas ang mga miyembro ng Anakpawis na nagsasalita laban sa inhustisya ng administrasyong Arroyo"

Mayo 7,linggo 9:30 ng gabi ay hinagisan ng garanada ng di kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang tanggapan ng Anakpawis Partylist sa Suerte Subdivision,Kidapawan City,North Cotabato. Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang kasama na sina Jobani Tacadao,tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan,at Ogie Abalde,kagawad ng KMP Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Ayon kay Delle Fano kagawad ng Anakpawis dun ,naghahanda sila ng isang kampanya para sa pagpapalaya kay Rep.Crispin"ka bel"Beltran,pero nauna rito ay napapansin na nila ang paniniktik ng elemento ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army.Isang lumang 4x4 na sasakyan ang umaali-aligid sa tapat ng opisina mula pa nuong Mayo 1.May pagkakataon pa na nakita nila na may mga kalalakihang nakasakay sa motor na kinukunan ng litrato ang opis gamit ang digital camera.

Samantala, dinukot naman ng di-nakilalang mga kalalakihan si Benedicto Manaoag,Tagapangulo ng Anakpawis-Mirasol Chapter sa Angeles City,Pampanga mula pa nuong Mayo 5. Hindi parin siya natatagpuan hanggang sa kasalukuyan.

Ito ay pagpapatunay lamang ng pagiging berdugo ng gobyernong Arroyo sa hanay ng mga militante at progresibong organisasyon tulad ng Anakpawis.Alam ni Gloria na ang mga militanteng organisasyon at malawak na bilang ng mamamayan ang tuwirang magpapabagsak sa kanya sa lalong madaling panahon.Ang Peke,berdugo,pasista at kurap na pangulong tulad nya ay hindi na dapat manatili sa poder,sampu ng kanyang gabinete tulad ni Raul Gonzalez at Mike Defensor.

Batasan 5 visit ka bel

    BATASAN 5, nakalabas na ng Kamara!Img_0253

Bumisita ang tinaguriang  Batasan 5  kay ka Bel sa Philippine Heart Center Rm.2427 kahapon (May 9,2006). Matapos ibasura ni Judge Jenny Lind R.Aldecoa-Dolorino ng Makati RTC Img_0214Img_0345Img_0278Img_0370ang isinampang kaso ng DOJ laban sa 5 konggresista at  sa 40 pang personahe.

Kamusta Kasama! Ito ang bati ng  B5 sa pagpasok sa kwarto ni ka bel

Mainit at mahigpit na yakap naman ang salubong ni ANAKPAWIS Representative Crispin"Ka Bel" Beltran sa mga kasamang sina, Rep.Satur Ocampo,Rep Joel Virador at Teddy Casino ng BAYAN MUNA, Rep. Rafael "Ka Paeng" Mariano ng ANAKPAWIS , at si Rep. Liza Maza ng GABRIELA.

Kasalukuyang sumailalim sa medical tests ng araw na iyon at may radiation sa kanyang katawan, pinayuhan ng doktor si ka bel na dumistansya sa mga bisita ngunit hindi napigilang yakapin siya ng mga ito,maliban kay teddy na may anak na si Elian ngunit ang ngiti nito ay buong pananabik na makita si ka bel.Wala silang inaksayang oras sa araw na iyon,masayang kwentuhan at masaganang halakhakan na punumpuno ng pananabik sa matagal na di pagkikita,chikahan na may pagka- showbiz din dahil sa pagkapanalo ni keanna reeves sa PBB kamakailan na pinapurihan naman ni ka bel sa pagiging matapang at makabayan nito na nagbahagi pa ng P1-Milyong premyo sa Gabriela na kanyang pinili na maging isponsor,gayundin ang paglagda nito sa petisyon para sa pagpapalaya kanya.Ang pinaka-highlights ng kwentuhan ay ang SiRaulong Gonzalez,tulad ng inaasahan pinulutan nila ito. Sabi nga ni ka bel ay umabot na sa utak ang sakit nito sa kidney,na kahit pa i-dialysis ay hindi na kayang gamutin.( korek! ka ka bel kasi "pesteng ehem "yan!ang bawat buka ng bibig ay may mikrobyong dala na nakakalason sa sambayanang pilipino.)

Nakalabas man sila ng Kamara ay may panggigipit at banta parin sa kanilang seguridad,kaya sinabi ni Atty.Romeo Capulong tumatayong pangunahing abogado nila ay inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong sibil,administrado at kriminal laban kina Gonzales,PNP Chief Arturo Lomibao at iba pang matataas na opisyales ng pamahalaang Arroyo.

Tuloy-tuloy ang laban at pakikibaka,PATALSIKIN SI GLORIA! pagtatapos ng kanilang kwentuhan at bago maghiwa-hiwalay sinabi ng B5 na sisiguraduhin nilang lalaya si ka bel sa lalong madaling panahon, sabi ni ka bel sige magkita kita tayo "bukas".

Mayo Uno

Untitled9_1125_1 Sa MAYO UNO, Lumahok tayo sa pambansang kilos protesta na isasagawa sa pangunguna ng Uring Manggagawa , upang labanan ang patuloy na pagpapahirap ng Papet at Pasistang si Gloria Arroyo.Wakasan na natin,ang lumalawak na kagutuman,pagsisikil ng ating mga karapatan,patuloy na pagpaslang sa hanay ng progresibong mamamayan sa pagpapairal ng "LAGIM" ng gubyerno ni Gloria Arroyo,kasama ang INUTIL na si Raul Gonzalez at ang iba pang gabinete nito.

Kapit bisig tayo sa lansangan ,Isulong ,Ipaglaban,,,

Itaas ang Sahod 125,Across the Board Nationwide!

Sahod,Trabaho at Karapatan,Ipaglaban!

Cong.Crispin Beltran,PALAYAIN! 

GLORIA ARROYO,PATALSIKIN,Singilin,Pagbayarin,!