« Dakilang Ina | Main | Asin ang Lupang pinagpala....Magsasaka. »

Totoong Buhay,mala tele-novela...

Dahliadecorativetwowhiteflowers Kathikashouse2 Dalawang Pamilya na pinag-isa ng PAG-IBIG

1985

Magkapatid si Carlito at Elizabeth,ganundin si Cynthia at Cezar. Ang kanilang pamilya ay magkaibigan at kung magturingan ay para ng pamilya nuon pa na mga bata sila.

Unang nagpakasal si Carlito at Cynthia na biniyayaan ng  3 anak,lalong tumibay ang kanilang magandang samahan ng sumunod na magpakasal ay si Cezar at Elizabeth( hindi nagka-anak).Marami sa kanilang kapitbahay ang namangha at ilan din sa kaanak ay nangutya lalo na sa pamilya ni Carlito at Elizabeth,"wala na bang iba"? ang sambit nila.Hindi naging hadlang ang anumang sabihin ng kahit sinong tao sa kanilang masayang pamilya,nguni't may isang matandang babae na pagala-gala ang nagsabing,"isa sa magulang ng pamilyang ito ay magdadanas ng kalungkutan,dahil magdadaigan kayo".Nakaka-pangingilabot ang sinabi ng matanda,pero hindi nila ito inintindi(dedma).

2006

Unang dumating na lungkot sa buhay nila,ay ang pagkakaroon ng sakit ni Elizabeth,cancer sa ovary. Umabot din ng 5 taon ang paghihirap ni Beth sa kanyang sakit,pero itong buwan ng Pebrero 18,2006,ay namatay siya.Lungkot at pagdadalamhati ang bumalot sa buong pamilya.Si Beth ay ikalawa sa bunso sa magkakapatid.

May katotohanan nga ba ang "hula" ng matandang babae,na isa sa Nanay ng dalawang pamilyang ito ay lubos na magdadalamhati?

Pinatay si Carlito,Isang karumaldumal na kamatayan.Habang nakikipag-inuman si Carlito,sa di kalayuan ng bahay na pinag-iinuman niya,may isang lalaking nagwawala,may hawak na kutsilyo.Aburido ito dahil iniwan ng kanyang asawa at anak,dahil isa siyang kagawad sa kanilang bgy.,ay inawat niya.Pero,hindi nagpa-awat ang lalaki at siya ang pinagbuntungan ng galit nito,habang kasagsagan ng lakas ng ulan nuong gabi ng May 22,2006 (lunes),inundayan siya ng saksak. 8 ang kanyang tama sa iba't ibang parte ng kanyang katawan,isa ay sa puso tumagos na agad niyang ikinamatay.

Ang taong 2006 ay mainam siguro sa ibang pamilya,pero sa pamilyang ito ay  hindi naging maganda, para sa kanila ito ay isang bangungot. Halos 2 buwan lang ang pagitan ng magkapatid na namatay para mabyudo at mabyuda ang 2 naiwan magkapatid.

Bago ang insidente,Totoo ba ang " premonition"?

Linggo araw  ng tamis , yakap at halik...Paalam mahal kong Cynthia at mga Anak....

Matagal ng hindi nagtatabi si Cynthia at Carlito,ayon sa kanila ay may isang taon na din,dahil madalas silang magkatampuhan dahil sa pag-inom nito ng alak na sanhi ng kanyang pagkaka-sakit sa baga. Linggo May 21,umaga pa lang ay magkatuwang sa gawaing bahay ang mag-asawa,inalagaan at ipinasyal ang 2 apo sa parke.Pinangaralan ang panganay na anak na babae (katherine) na iwasan ang mamalo sa kaniyang mga anak,nag-kumpuni ng mga sira sa kanilang bahay.Kahit sino ang mag-aya ng inuman ay tinatanggihan niya ito at hindi lumalabas ng bahay.Gabi habang nakahiga na sila,sinamantala ni Carlito ang pagkakataon ng gabing iyon.Kinausap nya ang asawa ,nangako si Carlito na hindi na siya kailanman iinom at magsisikap sa buhay para sa kanilang pamilya.Bumulong si Carlito kay Cynthia "ning,matagal na tayong hindi nagtatabi".sagot naman niya "ikaw kasi palagi ka na lang umiinom".Para silang bagong kasal,nag-pulot gata ng gabing yun.

Kinabukasan,lunes (may22) maaga silang pumunta ng palengke upang buksan ang kanilang tindahan,malaki-laki ang benta kaya 7pm pa lang ay nagsara na sila at umuwi.Ilang beses siya inaya ng kanyang kumpare para uminom,tinaguan niya ito.Pero,hindi rin siya tinantanan hanggang nilabas na niya ito at sumama para sa imbitasyon.Nagpa-alam siya kay Cynthia at nangako na hindi iinom,makikipag-kwentuhan lang siya.humalik at hinaplos niya ang buhok ng asawa,kumaway sa apo at anak.Dumaan sa bahay ng kanyang nanay,bago tumungo sa nag-imbita.

Iyon na ang huli nilang pag-uusap na punumpuno ng pagmamahal at pag-asa na ang magandang simula ng linggo ay magtutuloy-tuloy sa habang panahon. Nang dalawin ko si Cynthia,isang mainit na yakap ang tangi kong na-ibigay..

Nasaksihan ko ang kanilang pagmamahalan,lungkot,sigalot,tuwa't saya sa kanilang  pagsasama.Taon-taon ay kasama nila ako sa reunion ng pamilya..... kung bakit? First cousin ko si Carlito at Elizabeth.

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .